TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Thursday, December 9, 2010

JEWEL MISCHE, PUMIRMA NA NG KONTRATA SA ABS-CBN

Thursday. December 9, 2010. 6:00 am
by: Drix Salazar




Photos Courtesy of Marie Lozano and Eric John Salut
KUMPIRMADO! Kapamilyang Kapamilya na nga ang dating Kapuso na si Jewel Mische matapos ang matagal nang bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz. Kagabi, December 8, opisyal ng pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang young-actress na nagbigay ng tuldok sa lahat. Present sa contract-signing ang mga big bosses ng ABS-CBN, sina Mr. Johnny Manahan ng Star Magic, Ms. Linggit Tan, Mr. Deo Endrinal at si Ms. Cory Vidanes.

Sa panayam sa kanya ng SNN, masayang masaya ang aktres na opisyal na siyang Kapamilya. "Nag-uumapaw ang kasiyahan. Natutuwa po ako. Kinakabahan pero above all, masaya. I'm excited to work. I'm excited to start doing it and magsimula ng panibago at gawin kung anuman 'yung nakahandang unang proyekto para sa akin."

Sa unang sabak n'ya sa ABS-CBN, makakapareha ni Jewel ang Prince of Primetime na si Gerald Anderson. Nakatakda silang magbida sa isang episode ng Wansapanataym na Buhawi Jack at sa action series na, Bagwis.

Nagpasalamat din ang aktres sa orihinal na ka-loveteam ni Gerald Anderson na si Kim Chiu na aprubado ang kanilang unang tambalan. "Napakalaking bagay po para sa akin nun. Syempre kailangan ng approval dun sa original di ba, na nakatambal. Napakalaking bagay at maraming maraming salamat sa'yo Kim. Sana soon, makilala kita."

Welcome sa bago mong tahanan, Jewel Mische.

Narito ang video report ng SNN kagabi:
video




No comments:

Post a Comment