TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, July 11, 2011

Sarah Geronimo denies that her parents have separated


by: Bernie Franco

Push This
071111-sarahl-main.jpgPagbalik ni Sarah Geronimo mula sa kanyang bakasyon sa US ay tinadtad na siya ng mga intriga, at isa na nga rito na diumano’y hiwalay na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Nakatira pa rin daw sa iisang bubungan ang mag-asawa pero hindi na umano sila nag-uusap o naghaharap man lang. 

Pero mariin itong itinanggi ng Pop Star Princess. “Alam natin ang totoo at alam ng Diyos ang totoo, bakit tayo magpapaapekto?” pagtatanggol ng singer-actress. Dagdag pa niya, hindi na raw bago sa kanila ang mga ganitong isyu dahil lagi namang iniintriga si Sarah at idinawit na rin ang kanyang pamilya. “Matagal na rin kaming binabatikos; ako, ‘yungmommy ko, (at) ‘yung buong pamilya ko naman ngayon (ang idinamay). Basta masaya ako na buhay ang bawat miyembro ng pamilya ko, ligtas kaming lahat sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Hindi ko na pinapansin ‘yung mga negative na komento.” 

Hindi naman niya itinanggi na nagkakaroon din naman ng mga ‘di pagkakaunawaan ang kanyang pamilya pero sobra naman daw ang isyung nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang. “Hindi tayo perpektong pamilya ‘no. Sa bawat tahanan may hindi pagkakaintindihan pero hindi naman kami dumating sa punto na magkakahiwa-hiwalay. Sa awa ng Diyos hindi kami dumating sa puntong ‘yon, and God forbid naman.” 

Ilang linggo rin ang itinagal ng Pop Princess sa US dahil doon siya nag-workshop para lalong humusay ang kanyang pagkanta at pagsayaw. Pero sa ASAP Rocks noong Linggo ay muli na siyang na-welcome sa programa para sa kanyang pagbabalik. 

Jericho Rosales admits he had to handle human waste in his new show ‘I Dare You’


by: Rhea Manila Santos

Push This
071111-jericho-main.jpgAs host of ABS-CBN’s first realiserye I Dare You, Jericho Rosales admits he feels honored to be part of such a project, which is a collaboration between the News and Current Affairs division and the TV Entertainment Group. “This is a different kind of reality show. Talagang makabuluhan. Direkta sa puso yung mga tama at it’s just not a show na parang dadaan lang sa palad ko. Actually nagdagdag siya sakin, nag-enhance siya ng character ko. Isa siyang bagongreality show na ang goal ay ilapit ang mga artista sa normal na tao at gawing bida ang mga tunay na bidang Kapamilya natin. Mga normal na Pilipino ang bida sa show naming na ito. May mga hamon kami pero ang goal ng show ay mailabas ang tunay na karakter ng mga artista at idang kapamilya,” he shares during the presscon for I Dare You held last July. 
 
In every episode of I Dare You, Echo along with co-hosts Iya Villania and Melai Cantiveros, guide different celebrity challengers as they enter a different world and experience the ways of life ouside showbiz. They will also help win a reward for them by beating the other participants in the challenge. Echo admits that each taping day they have had so far has been a big challenge for both the hosts and their celebrity guests. “Every taping daynaming feeling ko parang first day of school. Every time. Ang calltime naming minsan 4:30am, 5:30am. Physically tiring, emotionally tiring din siya. Mentally stimulating. Ibang klaseng show. Kinakabahan ko,” he admits. 
 
In one of the most memorable shoots they’ve had so far, Echo admits is a two-day shoot in Isla Pulo, a severely depressed area. “Yung first ever taping namin sa Isla Pulo.ibang klase yung nakikita mo yung condition dun. Depressed area kasi yung pinuntahan naming and hindi lang siya depressed area, talagang isa siyang lumulutang na isla ng basura na walang kuryente, na karamihan ng mga bata walang edukasyon, ang kabuhayan nila uling ang. Mabaho, madumi, emosyonal pero marami kaming napulot na aral,” he recalls. 
 
Echo says that one of the striking memories he had from that shoot was that he had to handle human waste. “Nakahawak ako ng dumi ng tao dun. Kasi nagkalat yung dumi ng tao kung saan-saan. Eh wala pa sa isla yun ah, dun pa lang sa pangpang yun so yung kondisyon nila dun mahirap. So isa yun sa hindi ko makakalimutan kasi binigyan ako ng pagkakataon makita yung ganung side ng Pilipinas, yun yung mga nakikita mo pag lumilipad ka sa eroplano,” he explains. 
 
In the first episode of I Dare You which premieres this Monday, July 11 at 5:15pm on ABS-CBN, popular dancer and theater actor Gab Valenciano and multi-awarded actress Alessandra De Rossi will join Jericho as he returns to his roots in Marikina where he used to sell fish and carry loads in a wet market. Viewers will hear Echo’s inspiring rags-to-riches story, as told and demonstrated by the actor himself. “Ito yung episode na hindi ko na kinailangan ng motivation kasi kahit nakapikit ako alam ko na eh, although madami akong napulot dun like test of patience, ganyan. Binalik niya sakin yung pagiging malapit ko dun sa masa, kung saan ako galing.It’s always good to have that kind of experience every once in a while.  Masarap yung pakiramdam,” he says. 
 
The 31-year-old actor also shared that even though showbiz has taken him to different places all over the world, he will always have a soft spot for Marikina city. “Marikina will always be Marikina for me. One time nag-bisikleta ako dun kasama yung kapatid ko, meron akong P70 tapos wala akong cellphone kasi yun lang dala ko. Nag-bisikleta kami mula Quezon City hanggang Marikina. Tapos umuwi ako madaling araw na. Nag-basketballkami, nakita ko yung mga dati kong tropa, umikot kami. Yun yung isang lugar na kapag na-cross ko yungboundaries sumisigaw na ako kasi ang daming alaala ang bumabalik. Para sa akin, Marikina ang siyudad ko dito sa Maynila,” he says. 

Mark Gil to the father of Andi Eigenmann’s child: ‘Panindigan mo ‘yun

by: Bernie Franco

Push This
071111-mark-main.jpg
Isang tell-all interview ang ginawa ni Mark Gil, ang ama ni Andi Eigenmann, sa The Buzz. Inilabas ng beteranong aktor ang lahat ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang anak na buntis ngayon ng limang buwan pero hindi pa inaako ng napapabalitang ama daw nito,  si Albie CasiƱo. 

Kuwento ni Mark, saludo siya sa anak nang malaman niya sa dating partner at ina ni Andi na si Jacklyn Jose na nagdesisyon umano si Andi na bubuhayin niya ang dinadala. At bilang ama ng aktres, gagampanan daw ni Mark ang tungkulin niya dito. “Hindi ako naghihimasok sa mga buhay ng mga anak ko kasi kilala ko sila and kilala din nila ako, I don’t go into details ang akin lang, titingnan lang kita. How do you feel about it, are you okay? If you say no, I will find… in any way, what I can to do help. But if you say, I am okay, I will watch you and I will always be there.” 


Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan si Andi at madalas daw silang magka-text at laging ipinapahayag niya sa anak na nasa tabi lang siya lagi nito. Nang itanong ni Boy Abunda kay Mark kung galit ba si Andi sa pinagdadaanan niya ngayon, ang pahayag ni Mark ay, “I believe she’s going through it now, and I can’t really speak much because hindi naman siya lumaki sa akin. Like I said, I’ve always been there only when I’m needed.” 


Ikinuwento rin ni Mark ang kanyang naramdaman nang una niyang mabalitaan ang isyung pananampal umano ni Albie. Ipinabasa raw sa kanya ng asawang si Maricar ang mga posts ni Albie sa social networking site na Formspring. “This boy has a big problem. Ang nakita ko sa kanya siguro ‘yung ako noong araw. This guy has a lot of anger,” kuwento ni Mark.


Nung marinig daw niya ang issue ng pananakit ay sinikap raw niyang makipag-ugnayan sa batang aktor pero hindi siya pinaunlakan nito. Pakiramdam daw ni Mark ay naloko siya dahil tinanggap daw nila ang binata sa pamilya at nakasama pa sa ilang family events.  


Hindi lang ang sitwasyon ni Andi (ang pagbubuntis nito) ang problema ngayon. Itong taong ito, ang pangit ng ugali niya. I feel deceived kasi nung gulpihan issue na sinasampal-sampal daw siya tapos meron pang nangyari pa sa Greenbelt in public daw… she’s my daughter.‘Wag naman. Not just my daughter, she’s Andi Eigenmann. Agua Bendita, star, my daughter. My daughter doesn’t deserve it,” himutok ng veteran aktor. 


Kung may mensahe man daw siya sa young actor, ang tugon ni Mark, “You know what, boy, stand up. Stand up.” Ibinahagi pa ni Mark na siya ay naging ama na sa anak na si Gabby Eigenmann noong 16-anyos pa lang siya pero pinanindigan niya ang pagiging ama. Hindi raw niya tinalikuran ang kanyang mga naging anak. 


Panindigan mo ‘yon. Konsensiya,” mensahe ni Mark sa 17-anyos na aktor. “We’re not asking anything from you, boy. I just hope your parents teach you well. Do you have parents? What kind of parents do you have?Nanggugulpi ka ng bata, ng babae? ‘Di ka man lang pinangaralan? Tapos ngayon palalabasin n’yo pa, ‘We are happy and we are willing to have a DNA test?’ Come on! That’s enough, the insult. Do you think we’re tough? No we’re not. But all we ask, aminin mo, tanggapin mo. But we don’t need you. Hindi na namin kailangan ng ama ng anak ni Andi kasi andami niyang tatay; ako, the whole Eigenmann clan and also the other side, sa mommy side, maraming ama ang anak niya.”  


Idinagdag din ni Mark na marami raw siyang alam na hindi niya maidetalye pero naibulalas niya na pinainom pa raw ng ama ng anak ni Andi ng abortive pills. Halatang galit ang aktor sa paratang ni Albie sa Formspring na playgirl ang kanyang anak dahil hindi raw deserve yon ng aktres. Ipinagtanggol din niya ang isa pang lalaking na-link kay Andi na si Jake Ejercito at sinabing inalagaan niya si Andi kahit na alam niya na buntis na ito. Sinabi ni Mark na ang pressure sa kanila ay pangalanan nila kung sino talaga ang ama ng dinadala ni Andi pero ayaw na raw nilang sabihin ito kahit alam naman ng marami kung sino ang tinutukoy niya base sa kanyang mga pahayag. 


Nanawagan din si Mark sa young actor na itigil na ang pagbibigay ng mga pahayag na nakakasakit sa kanilang pamilya. “Please leave my daughter alone, please leave us alone,” ani Mark. Sa kanila nga raw ay biyaya ang pagbubuntis ni Andi.  Inasahan raw ni Mark na magpapakatao ang nakabuntis sa kanyang anak at simpleng sorry lamang ang kanyang hinihingi. Aniya, handa pa rin siyang makatanggap ng sorry mula dito basta’t may sinseridad ito. “We’re not hateful people. I just want to make something clear, Andi’s pregnancy is not all that bad, it’s actually a beautiful thing. I can’t wait for November, I’m gonna have my fourth grandchild and first girl grandchild and I believe this baby girl will be beautiful.” Bilang mensahe naman kay Andi, ani Mark, “You will always be my princess, baby, I’ll always be there. We all are.”  

Sunday, June 26, 2011

Friday, June 24, 2011

Vice Ganda trusts ABS-CBN with his career

062411-vice_main.jpg

6/24/2011 8:26 AM

by: Napoleon Quintos

Push This
Vice Ganda was very happy with the high ratings that his new show Gandang Gabi Vice has been getting almost every episode. He said this is because many Filipinos are enjoying how the program reveals the human side of celebrities not usually evident to the fans. “Nasho-showcase ‘yung totoong pagkatao ng mga artista. Kadalasan kasi ang tingin na natin sa mga artista mataas na bituin. Nagtatanong na tuloy ‘yung mga tao kung normal pa rin ba ‘yung mga buhay nila. Hindi na tuloy nakaka-relate ang karamihan. ‘Yung mga artista kapag nage-guest sa Gandang Gabi Vice bumabalik sila sa pagiging tao. Si Gerald (Anderson) umuutot din pala. Si Piolo (Pascual) naghihintay din pala ng sale. ‘Yung mga lumalabas sa bibig nating mga normal na tao sinasabi rin ng mga artista. So lumalapit ang mga artista sa mga tao.”


Vice rose to fame as the comedian with a quick wit and sharp tongue. He said he acknowledges that there might be times that someone would get offended by his jokes. That’s why in GGV, he had told the writers to talk to the guests first before the show starts. “Aware ako na posible akong makasakit pero hindi ko naman gusto. ‘Yung mga guest naman alam nila na kapag tumuntong sila sa show e puro harutan lang. Open sila sa kahit ano. Sinasabi ko na agad sa staff na kapag kumukuha ng guest ilatag agad ‘yung mga gagawin para walang biglaan. Gustung-gusto ng mga guest ‘yung harutan. Kaya nga ‘yung mga artista kapag nage-guest hindi sila nangangawit. Kung ano ang gusto natin gawin natin.”

From being a stand up comic/performer in comedy bars, Vice got his big showbiz break when he was chosen to be a part of the morning talent program Showtime. He said he considers Showtime as the beginning of all the success he is now getting, that’s why no matter what, he will never leave the program. Vice had also become one of the most in demand artists among concert producers. With numerous TV shows and concerts, are there times that he would worry about being overexposed?

“Hindi rin naman hahayaan ng ABS-CBN na ma-over expose ako at maubos ang talent ko, na mananawa ang mga tao at mawawala na lang ako bigla. Ako, ang manager kong si Ogie Diaz, at ang ABS-CBN, we all work hand in hand para mapangalagaan din ang trabaho ko. Habol rin namin ‘yung longevity ko. So far nasa tamang posisyon pa naman ang mga trabaho ko. Tsaka ang saya, ang tawa naman hindi kasasawaan ng tao ‘yun. Lalo na sa panahon ngayon hahanap hanapin nila ang pagtawa.

If there’s one thing he feels worried about is that the numerous blessings he is getting might come with a price. Vice confessed, “Ito na nga siguro ‘yung panahon ko na matagal kong hinintay. Kaya noong naiinip ako buti na lang hindi ako sumuko kasi nung ibinigay naman ni Lord, sabay sabay na. Minsan nga pakiramdam ko nakakatakot na kasi lahat na ibinibigay ni Lord. Baka kukunin na niya ako. Joke! Nakaka-praning din. Pero itong mga blessings na sunud-sunod tingin ko hindi naman ito para talaga sa akin. Instrumento lang ako ng Diyos pero ipamimigay ko sa ibang tao.