TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Friday, December 24, 2010

Jewel Mische napasabak agad kay Baron

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated December 24, 2010 12:00 AM

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na natin ang bagong Kapamilya star na si Jewel Mische sa Maalaala Mo Kaya. Ito ang kanyang first ever TV project sa ABS-CBN. Mapapanood natin sa January 1 ang exciting episode na ito. “Bata pa lang ako, natatandaan ko pinapanood ko episodes ng MMK. I’m just so privileged to be here right now,” bungad ni Jewel.

Makakasama ng young actress si Baron Geisler at pareho raw challenging ang roles nila rito. “It’s a very challenging role, something I haven’t done before. Bestfriends, babae at isang bading. Eventually magkakatuluyan, pero dapat abangan nila istorya how it will develop,” dagdag pa ng young actress.

“Pagdating ko, we were shooting the first scene, sabi ko ano itong pinasok ko direk? Ang hirap, parang mali pala desisyon ko but pinanindigan, nae-enjoy ko na kahit paano,” kuwento naman ni Baron.

Ayon pa kay Baron ay napahanga siya ni Jewel sa kanilang first project together. “She’s very good. Very nice and responsible as an actor. She knows what she’s doing, she knows her lines and ang galing niyang umiyak, napakagaling,” dagdag pa ni Baron.

Natutuwa at thankful si Jewel sa kanyang experience sa Kapamilya network. “I feel very much welcomed. ‘Yung mga taong involved, nag-reach out para i-welcome ako at maging kumportable sa first taping day. Mga kapamilya, una nagpapasalamat ako sa pagtanggap sa akin. Inaanyayahan ko po kayo manood ng first acting project ko with ABS-CBN, siguradong magugustuhan n’yo,” pagtatapos ni Jewel.

No comments:

Post a Comment