TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Wednesday, December 8, 2010

Erich Gonzales kabado sa Maria La Del Barrio

Sa susunod na taon ay muling magsasama sa isang TV series sina Erich Gonzales at Enchong Dee, gagawin nila ang remake ng hit Mexicanovela na Maria La Del Barrio.

“Thankful po ako dahil may next project po ulit after Magkaribal. Gagawin ko ang best ko para ‘di po masayang ‘yung tiwala na ibinigay sa akin, talaga pong pagbubutihin ko,” bungad ni Erich.

Ngayon pa lamang daw ay pressured na ang young actress para sa kanyang next project na ito dahil ang role niya rito ay ang role ng famous Mexican actress na si Thalia. Ano kaya ang mga preparasyon na gagawin ni Erich para sa kanyang character?

 “Yung pressure ay ‘di naman talaga maaalis, ‘yung kaba, lahat na ng emotions halu-halo na but what’s important is that pagdating ng trabaho ay kailangang mag-focus at mag-concentrate. Dapat talaga itong ma­ging priority, huwag munang mag-isip ng kung anu-ano and you have to be ready palagi. Definitely po ay may workshop, pag-aaralan ‘yung character, and sa ibang cast po siyempre kailangan din po ng bonding para pagdating sa set ay wala nang ilangan,” dagdag pa ni Erich.

Erich Gonzales kabado sa Maria La Del Barrio
SHOWBIZ NEWS NOW NA ni BOY ABUNDA

No comments:

Post a Comment