TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Friday, January 21, 2011

SHOUTOUT TEENMATES, haharap sa malaking hamon!

Isang nakagugulantang na Shoutout Episode ang bumungad kanina sa sambayanan. Ito ay matapos ianunsyo nina Ms. Linggit Tan at Ms. Joyce Liquicia na mayroon pang isang buwan ang teenmates to shape up o kung hindi tuluyan nang mamamaalam sa ere ang nasabing programa.  

Nakarating sa management ang komento ng ilang manonood na maa-arte at nagpapa-cute lang daw ang ilan sa mga teenmates. Dahil dito, hinamon ng management ang lahat. Binuwag na ang mga grupo at pinaghiwa-hiwalay ang mga teenmates na dati'y magkakasama. Kailangan na rin nilang sumailalim sa auditon para mabigyan ng pagkakataong maipakita ang kakayahan araw-araw.

Sa lunes (January 24), abangan ang malaking pagbabagong ihahatid ng teenmates. Mag-level-up na nga kaya sila sa SHOUTOUT: LEVEL-UP? Sa loob ng isang buwan, mapatunayan kaya nila na hindi dapat mawala sa ere ang naturang programa? 'Yan ang dapat nating abangan! -Drix Salazar

Samantala, dumagsa ang reaksyon ng mga manonood sa biglaang anunsyo. Narito ang ilan:


 bernice manalo 
@ 
@ medyo okay lang kasi magkasama na ang JACIA pero kawawa naman si Ivan !! dapat wala na dun si Devon eh !

 Kacheek Patapon 
@ 
@ sa tingin ko tama lng po. kase dapat talent ng mga teens ang makita, di yung pagpapacute lng.

 kim 
@ 
@ hmmp..puro lang laro...dapat silang mag seryoso...


 keanna rae degamo 
@ 
@ shocking. i wanna cry


 danrose 
@ 
@ I just feel for the Teenmates :( I know they can still prove something in one month! we'll support them all the way, esp

3 comments:

  1. meron nga talaga mga teenmates na puro lang pa cute..pero meron din naman worthy na di mabigyan ng break...at siyempre...meron din naman na natural sa craft nila...
    i'm quite sad kasi nahiwalay na ng grupo ang 2 sa paborito ko na magkasama sa friendsthurs...si tricia at young jv...
    pero i am happy din kasi magkasama na ang jacia!!!
    thank you very much sa management for that...

    sana lang maprove na ng teenmates ng bonggang bongga ang kakayahan nila...para mapanatili at mamayagpag ang show...
    go teenmates!!!!

    ReplyDelete
  2. Sana tuluyan na ngang mawala ang shoutout isa kasi itong malaking eye sore..Masyadong OA at napaka nonsense. Pinapakanta kahit di magandang boses and treated as entertainment? COME ON! Ang good lng sa shoutout pag naka on air na eto alam na nang family namin na time na para e off ang tv aksaya lng kc nang panahon. If the management want that program to work sana gawin itong mas sensible di magandang halimbawa na makikita na ang mga teen puro lng loveteem ang alam parang ang message na sinasabi ay napaka shallow nang mga kabataan natin which is not true at all. If its a teen show EMPHASIZE the good qualities of our teens and not portray them as airheads!

    ReplyDelete
  3. unang-una sa lahat di ka naman kasi pinipilit na manood ng shoutout, kung ayaw mo ng show di wag. Pangalawa, ang mga kabataan kasi nag eenjoy kapag nakikita nila ang mga favorite stars and loveteams nila on tv.Pangatlo, di naman more on loveteams ang pinapalabas sa shoutout...Siguro naiingit lang ang ibang station dyan sa tabi-tabi at gusto nilang matanggal talaga ang shoutout kasi magagaling ang mga teanmates. Syempre kapag nawala ang shoutout, lilipat ang ibang mga teens ng station at yan ang gustong-gusto ng ibang mga station dyan sa tabi-tabi na wala namang binatbat at lagi nalang nanggagaya sa abs-cbn.

    ReplyDelete