TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, January 17, 2011

Racquel Pempengco explains why Charice didn’t grant any interviews


Mon Jan 17 2011 03:17 PM
by: James Cantos


Last January 8 ay bumalik dito sa Pilipinas si Charice para sa isang concert, ang “1@11” (One at Eleven) na ginanap sa Mall of Asia. Maraming nakapanood sa nasabing concert, humanga rin ang lahat sa naging performance ni Charice. Kinabukasan ay naging usap-usapan na hindi raw nag-grant ng interview si Charice sa mga reporters at ilan pang mga kasamahan sa industriya. Sumama tuloy ang loob ng ilang reporters sa nangyari. Narito ang ilang pahayag ng mga entertainment press na nakasaksi sa insidente. “Humihingi na ng permiso, yung handler n’ya sinabing she’s just here to sing . Hindi kami makalapit doon sa tent, paglabas niya ng tent ay nakatalukbong na siya tapos naglalakad na para siyang bulag na inaalalayan siya nung malalaking mama, tapos tinatawag namin siya ni hindi siya lumingon so parang nakakasama ng loob. Nagulat lang ako that night,kasi may sinabing yung handler niya na protocol diumano at galing iyon sa opisina ni Oprah Winfrey. Gusto man naming intindihin pero bakit hindi man lang ginawang exception to the rule ang Philippines bilang isang Pilipina ka? Nakakairita! Sumama ang loob ko,” emosyonal na pahayag ni Ambet Nabus.

“How sad! It’s so unbecoming of a Filipino artist na ganoon ang ginawa niyang trato sa media. Parang sorry ha, pero yuck! Disappointed ako sa kanya,” dagdag naman ni Leo Bukas. 

Mayroon din namang sumang-ayon sa hindi pagpapa-interview ni Charice, si Alfie Lorenzo. “The security are just doing their job. Ganyan talaga ang security sa Amerika, sinusunod lang, kaya walang pagkukulang siCharice,” pahayag ni Alfie.

Dinipensahan naman ni Mommy Racquel si Charice sa mga naging paratang ng ilang miyembro ng media sa kanyang anak. “Kasi yung araw na dumating si Charice, mula umaga, natapos yung concert halos 1:00 a.m. na siyempre siguro kahit naman kayo, kahit gaano kapagod yung araw na iyonSiyempre all of the time naman na uuwi kami, lahat ‘yan ay napagbibigyan namin pero sana naman ay naiintindihan nila na napapagod din yung bata na kailangan ding magpahinga. Hindi nila kasi alam kung gaano ka-busy si Charice sa America para mag-comment yung iba ng ganun,” paglilinaw ni Mommy Racquel. 

Dagdag pa ni Mommy Racquel ay hindi raw nakalilimot lumingon sa pinanggalingan ang kanyang anak. “Lagi kong pinapaisip sa kanya, there’s no place like home. Home niya ang Philippines. Iba pa rin ang mga Pilipino. Humihingi ako ng paumanhin, sana naiintindihan n’yo rin na napapagod din ang anak ko. Huwag na lang itong pahabain,” pakiusap pa ni Mommy Racquel.

No comments:

Post a Comment