One week from now ay gaganapin na ang pagpapakasal ni Roxanne Guinoo sa kanyang husband-to-be na young businessman na si Elton Yap. Nakatakdang ganapin ang kasal sa January 23, sa darating na Linggo. Pero sinabi ng aktres na sobrang busy sila dahil marami pang kailangang asikasuhin para sa nalalapit na okasyon.
Aniya, kabilang sa mga showbiz personalities na imbitado ay sina Boy Abunda, Charlene Gonzales, Mariel Rodriguez, Angelica Panganiban at Regine Angeles.
Hindi na raw mahirap para sa kanya ang buhay may-asawa dahil hinarap na raw niya ito bago sila magpakasal ni Elton. Mayroon nang isang anak si Roxanne na nagnga-ngalang Rein. “Handa na, hinarap ko na. Tuluy-tuloy lang. May guidance naman kami ng mga parents (from) both sides. Masaya ako dahil mas lumaki ‘yung pamilya ko,” kuwento ni Roxanne.
Hindi naman daw niya alam kung saan sila magha-honeymoon ng kanyang magiging mister dahil ayaw daw iwanan ng aktres ang kanilang baby. Pero mabilis na kinlaro ni Roxanne na wala pa silang balak sundan ang kanilang anak.
Pagdating naman sa kanyang showbiz career, sinabi ni Roxanne na wala siyang balak iwan ang pag-aartista. “Siguro kung nag-quit ako baka hindi na rin ako nag-guestings at all. Kakapanganak ko pa lang I did MMK(Maalaala Mo Kaya), so preparation ko ‘yun ulit sa sarili ko na I’ll go back,” paninigurado niya.
Hindi rin naman niya itinanggi na magkakaroon na siya ng limitations pagdating sa kanyang pagbabalik-showbiz. “Of course meron. ‘Pag may asawa ka na marami ka ng iko-consider d’yan, mga do’s and don’ts but not necessarily lahat tatanggalin mo. Parang ano pa ang point ng mag-artista ka o magtrabaho ka? Angshowbiz naman nasa puso ko ‘yan, ang pamilya ko buhay ko ‘yan so wala akong dapat i-admit o i-deny pero higit na importante sa akin is family, eh.”
Lubos-lubos naman daw ang nararamdamang kaligayahan ni Roxanne sa kanyang buhay ngayon. Nilinaw naman niya ang mga bali-balitang sobrang marangya ngayon ang kanyang buhay. Sinabi ng aktres na kaya nga siya magbabalik-showbiz ay dahil nais niya at ng kanyang asawa na itaguyod ang pamilya na hindi umaasa sa iba.
No comments:
Post a Comment