TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Friday, January 14, 2011

THE BUZZ MAG EXCLUSIVE: Binibining Pilipinas at Venus Raj Kapamilya na!

Ang pinakaprestihiyosong beauty pageant at ang kasalukuyang “pinakamagandang babae” sa bansa ay mapapanood na sa pinakamalaki at nangungunang media organization sa Pilipinas, ang ABS-CBN.

Pumirma nitong Biyernes (Jan 14) ang Bibinibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ng limang taong kontrata sa ABS-CBN para sa pagpapalabas ng beauty pageant habang inanunsyo naman ang pagpasok ni 2010 Miss Universe Runner-up Maria Venus Raj bilang pinakabangong Kapamilya artist.

Naroon sa contract signing sina ABS-CBN President and COO Charo Santos-Concio, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes, at ABS-CBN Head of TV Entertainment Production Head Linggit Tan para pormal na salubungin ang mga bagong Kapamilya sa pangunguna ni BPCI Chairperson Stella Marquez-Araneta.

Hindi maitago ang galak ni Venus Raj, na napanood na sa mga ABS-CBN shows at events tulad ng ABS-CBN Christmas Special at Showtime, ang kaniyang pagsabak sa showbiz sa ABS-CBN.

“I’m extremely honored to become part of the country’s biggest network. I’m proud to be a Kapamilya,” aniya

Kaugnay naman ng pagtutulungang ito, sa ABS-CBN na mapapanood ang pinakahihintay na 2011 Binibining Pilipinas pageant sa Marso, na ipalalabas din sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC). Walang iba kundi ang top Kapamilya director na si Johnny Manahan ang mamumuno sa grandiosong event na ito sa tulong ng tinitingalang ABS-CBN Special Projects team sa pangunguna ni Chit Guerrero.

Bilang primerong beauty pageant ng bansa, sinala ng BPCI ang aabot sa 90 na Pilipina mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para piliin ang 24 na natatanging kandidata na maglalaban para sa pagkakataong mairepresenta ang bansa sa international beauty pageants tulad ng Miss International, Miss World, at Miss Universe.

Sa nakalipas na tatlong taon, sa ABS-CBN pinagkatiwala ang pagsasahimpapawid ng pinakamaganda at glamorosong gabi sa mundo, ang Miss Universe pageant. At sa Setyember, sa Kapamilya network mapapanood ang 2011 Miss Universe pageant na gaganapin sa Sao Paolo, Brazil.

Ang BPCI naman ay apat na dekada nang nagsisilbi sa bayan sa pamamagitan ng paghuhubog hindi lamang sa mga beauty queen na lumalaban kundi sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng mga workshop, training, at mission work.

No comments:

Post a Comment