TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, January 24, 2011

Baron Geisler stands his ground that the incident with Cherry Pie Picache was unintentional


Sun Jan 23 2011 10:24 PM
by: Bernie Franco

Very intense ang ipinalabas na exclusive interview ngThe Buzz kay Baron Geisler kahapon. Halatang sobrang apektado ang controversial actor sa latest issue ng pambabastos diumano niya sa Noah co-star na si Cherry Pie Picache. 
 
Nagtataka rin daw ang aktor kung bakit napakadali sa iba na kasuhan siya,  na ang tinutukoy niya ay ang sexual harassment cases na isinampa sa kanya ni Patrizha Martinez, anak ni Yayo Aguila at William Martinez noong 2008 at ni Yasmien Kurti noong 2009. Inireklamo rin siya noon ni Julia Clarete pero hindi nagsampa ng kaso at ang pinakahuli nga ay ang kay Cherry Pie sa set ng Noah. 
 
Nang tanungin ni Boy Abunda si Baron kung bakit sa tingin nito ay lagi siyang naiipit sa ganoong sitwasyon, sagot ni Baron,  “I’m an easy target because they think I’m drunk and stupid.” 
 
Aminado naman si Baron na kapag nakakainom siya ng alak ay may mga pagkakataong hindi na niya alam ang kanyang ginagawa at minsan ay sinasabihan siya ng mga tao na hindi na niya matandaan. “May mga instancesna talagang black out, depende sa amount na nainom ko,” aniya. 
 
Inamin ni Baron na nakainom nga siya nang mag-taping sila. Ang kanyang depensa ay ginawa lamang niya ang kanyang trabaho at wala siyang intensyong mambastos. Ang turing daw talaga niya sa veteran actress ay parang isang ina. Kuwento pa ni Baron pagkatapos ng take ay pinuntahan niya si Cherry Pie at dalawang beses na humingi ng paumanhin subalit hindi ito tinanggap ng aktres. Paglabas daw niya ay nagwala siya at nagmumura. 
 
Depensa ni Baron, naisip niya kasi ang mga kasong isinampa laban sa kanya.  ”Kasi na-push ang buttons ko din. Everyone knows may dalawa akong kaso about sexual harassment. Para sa akin talaga I didn’t intend to touch her boobs,” ani Baron. “For me ang sakit wala na akong choice. I feel sorry. And I’m sorry if she really felt violated.” Aniya, ginagawa lang daw niya ang trabaho niya. 
 
Hindi naman itinago ni Baron ang pagkagalit niya sa pagba-ban sa kanya ng Professional Artists Managers, Inc. or PAMI na makatrabaho ang ibang artista hangga’t hindi siya sumailalim sa rehabilitation. Ani Baron, pakiramdam daw niya ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag at hindi inalam ang tunay na nangyari. 
 
Dahil sa nangyaring ito, sobrang apektado umano ang aktor at masakit sa kanyang pagkatao at pakiramdam daw niya ay “it makes him less of a man.” 
 
Pumayag si Baron na sumailalim ng tatlong buwang rehabilitation at umaasang gagaling siya mula sa problema sa alkohol.  ”I hope after I heal myself, I wish, I pray that I walk the talk,” aniya pa. Ilang beses nang nasangkot si Baron sa isyung sexual harassment o kaya naman ay paggawa ng eksena habang nasa impluwensiya ng alak.  “Nakakapalan na ako sa sarili ko, sa lahat ng nangyari,” pagsisisi pa niya. 
 
Ang pagpasok din niya sa rehab ay pagkakataon din daw upang makapag-isip muna siya at mapagtanto ang mga ginawa niyang mali. Lubos din ang pagpapasalamat ng aktor sa mga taong umuunawa sa kanya. Naging emotional si Baron sa The Buzz at ilang beses na humingi ng sorry sa publiko. 
 
Inamin din niya na isa sa mga takot niya ay ang makalimutan umano siya kapag nag-rehab siya dahil matagal siyang mawawala. ”Sana mapatawad nila ako, sana huwag n’yo akong kalimutan. Sa industriya natin mawala ka lang ng isang buwan makakalimutan ka na. Natatakot din po ako. 
 
Ang hinihiling ko lang after everything, after this craze, sana hindi mawala sa akin sana tanggapin pa rin ako ng tao, ng industriya sa pagbabago.” 
 
Nangako naman si Baron na aalagaan niya ang sarili sa pagpapagaling.  ”Sorry talaga. I feel sorry for myself. I will take care of myself, and love myself more.” 

No comments:

Post a Comment