TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Saturday, January 29, 2011

Piolo Pascual and Charlene Gonzales, inspirations for UST’s 400th year anniversary commemorative statues


Fri Jan 28 2011 09:42 PM
by: James Cantos


Kilala ang University Of  Santo Tomas as the oldest University in Asia. Kagabi ay isang engrandeng selebrasyon ang ginanap para sa kanilang 400th year. Ang naging highlight ng programa ay ang unveiling ng glass and bronze sculpture na ginawa ni Ramon Orlina na isang world-renowned Thomasian sculptor.

Present sa celebration ang mga UST alumni na sina Piolo Pascual at Charlene Gonzalez-Muhlach. Kabilang din ang dalawa sa naging modelo para sa ginawang 10-meter high monument ng kanilang alma mater bilang tribute sa kanilang mga achievements sa industriya. Overwhelmed sina Charlene at Piolo sa muli nilang pagbabalik sa kanilang school. 

“UST has always been an integral part sa buhay ko, yung mga memories and moments that I experienced in UST, dadalhin ko ‘yan habangbuhay. What a wonderful homecoming,” emosyonal na pahayag ni Charlene.

“UST changed my life, because of UST ay nakapasok ako sa ABS-CBN because my friends from Teatro Tomasino made a way for me to enter showbiz. If not for UST hindi rin siguro ako magiging artista,” seryosong pahayag naman ni  Piolo.

Kasama ring dumalo ni Charlene ang kanilang kambal na anak ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha. Masaya at very proud ang magkapatid sa ginawang pagpaparangal ng UST sa kanilang mommy. Hindi naman daw nakasama ng mag-iina si Aga dahil may trabaho ito kagabi.

No comments:

Post a Comment