TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Friday, January 21, 2011

ASAP ROCKS, makikisaya sa Iloilo

Kapamilya kasama kahit saan sa mundo. Yes kasama sa pinaka-makulay na fiesta at reunion ng buong ASAP stars all the way sa Iloilo! Humanda na sa walang kasing-sayang pagsasama ng lahat ng Kapamilya ngayong linggo dahil dadagsa ang mahigit isandaang (100) Kapamilya stars sa Iloilo Sports Complex, La Paz Iloilo para sa higanteng selebrasyon ng Dinagyang Festival.

Magiging mas makulay ang linggo kasama ang mga pinaka-sikat na ASAP Kapamilya!

Umaatikabong konsiyertong kantahan ang ihahatid nina Nina, Billy Craw­ford, Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela, Yeng Constantino at ang buong ASAP Sessionistas.

Hahataw ang mga pinaka-aabangang ASAP Dance Supahstars, Supahdance Crew, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Iya Villania at SCQ 2010 Grand Winner Bugoy CariƱo. Magpapakitang gilas din sina Enchong Dee,  Erich Gonzales, Empress, Sam Concepcion,  Kim Chiu at si Buhawi Jack Gerald Anderson. May showdown din ang mga pinaka-maiinit na teenmates ng Shoutout!

Paparada ang mga pinaka-paborito ninyong mga Teleserye Stars. Aba­ngan ang cast ng Sabel, Juanita Banana, Mara Clara, Imortal, Kristine at Noah sa isang di-mapantayang Bida Best reunion!

Makiki-party din ang mga People’s Champion na pangungunahan ni Jovit Baldivino, XB Gensan at Starpower Ultimate  Final Five.

May pasiklab din ang nag-iisang Pokwang kasama ang mga most sought-after na ASAP Girls ka-back to back ang mga guwapong ASAP Boys.

May espesyal na pagtatanghal din mula sa Jewel of Primetime na si  Cristine Reyes. Abangan ang kanyang nagbabagang sorpresa.

1 comment:

  1. 2009 SCQ Grand Kiddie Idol Winner po si Bugoy : )
    Thx thx po sa article

    ReplyDelete