Kahapon sa The Buzz ay pinag-usapan ang mga lalaking na-link kay Kris Aquino na kinabibilangan nina Makati Mayor Junjun Binay, news anchor Ted Failon, leading man na si Diether Ocampo pati na rin sina James Yap at dating nakarelasyon na si Joey Marquez.
Noon ay inamin ni Kris na nagkaroon sila ng constant communication ni Mayor Binay subalit sinabi niya kahapon na itinigil na nila ang kanilang komunikasyon. “Seriously and honestly hindi na kami nag-uusap. Hindi na kami nagti-text, hindi na kami nagbi-BM (Black Berry Messaging),” ani Kris. Ipinaliwanag niya na may case kasi siya sa siyudad na pinamamahalaanan ng mayor at nararapat lamang na magpaka-proper siya gaya ng ginagawa nito.
Napipikon naman daw si Kris sa tuwing may mga balitang may komunikasyon ulit sila ng dating nakarelasyong si Joey Marquez dahil wala raw itong basehan. Matapos umano ng mangyari sa kanila pitong taon na ang nakalilipas ay sa palagay raw niya ay hindi nanaisin ng actor-turned-politician na makipagkaibigan pa sa kanya.
Ibinisto naman ni Kris si Diether Ocampo, na leading man niya sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na Dalaw, na meron itong bagong nagugustuhan. Kwento nito, noong magsimula raw silang mag-shooting ay wala ka-text si Diether. “’Pag ang lalaki hindi mahiwalay ang phone sa kanya hindi nagre-report to somebody,” ani Kris. Subalit nang manggaling daw si Diet kamakailan sa Australia ay napansin ni Kris na laging kadikit ng aktor ang telepono nito kung kaya’t sa tingin niya ay committed na ngayon si Diet.
Humingi naman ng sorry si Kris kay Ted Failon dahil tila nagulo ang buhay ng news anchor dahil sa pagsisiwalat nito last week na matagal na silang text mates. Nauunawaan umano ni Kris ang sitwasyon ni Ted dahil siya mismo ay labing walong taong nagtrabaho para hindi lang makilala bilang anak ng dating pangulo ng Pilipinas. “Ted also took so much to make a name for himself. An association with me will color people’s perception of him,” paliwanag ni Kris. “Kumbaga hindi na siya makakabanat the way he should sa radyo. Mabibigyang kulay ang pagre-report niya sa TV Patrol, so sa akin na nangggagaling na humihingi ako ng paumanhin dahil kailangan mapangalagaan naman ni Ted ang pangalang pinag-ingatan niya and a friendship with me should not be a hindrance to our respect for him and his credibility. I owe him that much because he’s been a real friend,” pagpapaliwanag ni Kris at sinabi pang mas malabo na magdate sila ng news anchor in the future.
No comments:
Post a Comment