Sa pamamayagpag ng kanyang pelikulang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To ay nanawagan pa rin ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, hindi para sa kanyang pelikula, kundi para sa Metro Manila Film Fest entry ni Dolphy, ang Father Jejemon. Matatandaang naging kontrobersyal ang pelikula ng King of Comedy dahil sa diumano’y sensitibong eksena kung saan ay nagkaroon ng negative na reaksyon ang ilang Katoliko.
“Isa pa ring pong hinihiling ko sa inyo, tutal tapos na po ‘yung mga kontrobersya, inalis na ‘yong sensitibong parte na may kinalaman sa (Simbahang Katoliko),alam n’yo po kasi kaming mga komedyante, si Tito Dolphy po muna bago po kami, so malaki po ang utang na loob namin kay Tito Dolphy dahil siya po ang unang-una na nagpauso ng comedy,” ani Ai Ai sa The Buzzkahapon. “Ni-ready niya po ang taong-bayan para sa comedy ng Metro Manila Film Fest. Nakikiusap po ako, sana panoorin po sana natin ang Father Jejemon kasi po kaming mga komedyante, ako po nagbibigay-pugay po ako kay Tito Dolphy dahil po gusto ko po maging masaya siya at sana po manood kayo ng Father Jejemon.”
Sinuportahan din ni Kris Aquino, na guest host sa The Buzz kahapon, ang tinuran ni Ai Ai. Idinagdag pa ni Kris na deserve ni Dolphy ang suporta ng tao sa kanyang pagiging magandang ehemplo. Matatandaan kasi na noong presidential elections ay hindi si Pres. Noynoy ang sinuportahan ni Dolphy pero matapos daw niyang manalo ay tumawag si Dolphy sa kapatid ni Kris upang humingi ng sorry na hindi naman kailangan nitong gawin.
“And then nung binigyan siya ng award (Grand Collar Award) ni Noy and then they went to Malacañang sobrang pasasalamat ang ginawa nila and they were saying hindi na nga nila kinampanya si Noy but Noy recognized his contribution to so many people,” kuwento ni Kris sa The Buzz kahapon. “Sabi ko dapat lang naman (na suportahan si Dolphy) dahil ang laki ng contribution ni Tito Dolphy sa ating industry. I respected them so much for apologizing (even if) they didn’t have to, number two, they said thank you.”
Sa kasalukuyan, nangunguna ang Si Agimat at si Enteng Kabisote sa takilya at pumapangalawa naman ang pelikula ni Ai Ai, samantalang pangatlo ang pelikula ni Kris na Dalaw samantalang nasa huling puwesto naman ang Father Jejemon ni Dolphy. Sinabi rin ni Dolphy na ito na raw ang huling pelikula niya para sa MMFF.
No comments:
Post a Comment