TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Saturday, December 4, 2010

2011 KAPAMILYA SHOWS, INILUNSAD!





Mula noon hanggang ngayon, patuloy ang paghahatid ng ABS-CBN ng mga de-kalibre at di matatawarang produksyon sa telebisyon. Kaya naman, noong December 2 sa ginanap na Trade Event sa PICC, inilunsad ng Kapamilya Network ang mga bagong programa bago matapos ang 2010 at sa pagbubukas ng 2011.

Patuloy ang tagisan ng galing, labanan ng talino at lakasan ng loob ng mga bulilit sa pagbabalik ng Star Circle Quest for the next Kiddie Superstars. (December 4 pagkatapos ng Wansapanataym)

Malo-LOL ang lahat sa pinakamakulit na prank show sa bansa ang LOL o Laugh Out Loud hosted by Celebrity Prankster, Luis Manzano at Cosplay Queen, Alodia Gosiengfiao. (December 4 pagkatapos ng MMK)

Sa lunes (December 6), magbubukas ang panibagong seryeng mamahalin ng lahat, ang Sabel. Pinagbibidahan nina Jessy Mendiola, AJ Perez at introducing si Joseph Marco. Kasama rin ang ilan sa mga beterano at de-kalibreng aktor at aktres sa industriya: Rita Avila, Raymond Bagatsing, Tommy Abuel, Ron Morales at Glydel Mercado.

13 linggo. 13 iba't-ibang karakter. Isang Prinsesa. Mas lalong mamahalin at titingalain si Kim Chiu sa pagbibida n'ya sa Your Song Presents Kim na magsisimula nang umere ngayong December 12.

Balik game show naman si Ms. Kris Aquino para i-host ang Pinoy Version ng longest running game show sa US na ume-ere na ng 54 taon, ang The Price is Right. Aapaw ng saya at papremyo para sa sambayanang Pilipino.

Sino kaya ang susunod sa yapak ni Jovit Baldivino? Sa pagbubukas ng Season 2 ng Pilipinas Got Talent, patuloy ang tagisan ng mga talentong tunay na maipagmamalaki nating mga Pinoy. Kasama pa rin syempre ang kwelang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford.

Muling magbubukas ang Bahay ni Kuya para sa ika-apat na edisyon ng Pinoy Big Brother. Magtatagisan naman sa pagpapayat ang mga heavy weight sa Pinoy Edition ng The Biggest Loser hosted by Megastar, Sharon Cuneta.

Nagbabalik din ang Queen of Pinoy Soap Opera na sa Ms. Judy Ann Santos para sa competitive cooking game show na laan sa mga batang nangangarap maging chef sa Junior Master Chef.

Matapos ang matagal na bulung-bulungan at pagkaudlot ng paglipat, opisyal ng inanunsyo ng ABS-CBN na Kapamilya na talaga ang dating Starstruck Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische (kasabay n'ya ang mga bagong Kapamilya din na sina Alfred Vargas (Balik-Kapamilya), Piero Vergara at Benjamin De Guzman). At sa unang pagsabak n'ya sa aktingan, makakasama n'ya ang Prince of Primetime na si Gerald Anderson para sa action-serye na may titulong Bagwis.

Samantala, balik Primetime Bida ang tatlo sa mga tinitingalang aktor at aktres sa industriya para sa Pinoy Version ng Green Rose. Itinatampok sina Jake Cuenca, Anne Curtis at Jericho Rosales.

Ang ilan pa sa mga programang aabangan sa 2011 ay ang Binondo, Maria La Del Barrio, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Atom, MutyaI Dare You: The Kapamilya, Good Vibes, Palibhasa Sikat, Minsan Lang, Galema at Guns and RosesTeam Kapamilya Tayo! -Drix Salazar

No comments:

Post a Comment