TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Friday, October 1, 2010

GREEN ROSE: ABANGAN SA PRIMETIME BIDA!


bagong teleserye.. 
bagong kulay ng rosas na kahuhumalingan ng lahat.. 

Kapamilya, malapit nang mapanood sa Primetime Bida ang Pinoy adaptation ng top rated Koreanovela na “Green Rose.” 
Ang nasabing teleserye ay pagbibidahan ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor at aktres sa industriya: Jericho Rosales, Anne Curtis, Jake Cuenca, Alessandra De Rossi at marami pang iba.. 
“Last quarter ng taon na ito, ‘yun ang target na i-ere [ang teleserye]. Enjoy kami sa set.Maganda ‘yung mga eksena, isa sa mga pinakapaborito [kong project],”ayon kay Echo.
Ito na ang ikalawang beses na magtatambal sina Anne at Jericho (ang una ay sa MMFF Entry na Baler), Pinaka-cool si Anne, pinakakalog,” aniya.Pareho kaming abnormal sa set. We get along [and] okay kami sa set. I love working with Anne kasi professional siya, at the same time, marunong siyang mag-enjoy. Hindi siya mahirap pakisamahan, hindi ka maiilang sa kanya.”
Ang Green Rose ay bahagi pa rin ng selebrasyon sa animnapung taon ng Pinoy Soap Opera. Puspusan na ang paghahanda ng casts para mapaganda ang teleserye.. Nakatakda silang pumunta sa Korea para kunan ang ilang mga eksena. 
Si Direk Dondon Santos ang direktor ng Green Rose.. 



No comments:

Post a Comment