TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Saturday, November 27, 2010

ANG PAGNININGNING NG BITUIN NI JESSY MENDIOLA


Matapos ang matagal na bulung-bulungan, opisyal ng inanunsyo ng ABS-CBN sa pamamagitan ng paglalabas ng teaser nito na ang Young Actress na si Jessy Mendiola ang napiling gumanap sa Upcoming Primetime Bida Teleserye na Sabel.

Ito na ang maituturing na biggest break ni Jessy.. Matagal din ang hinintay ng aktres para makuha ang lead role.. Nakilala si Jessy sa kanyang pagganap sa mga Kapamilya Teleserye tulad ng Abt Ur Luv, Kung Tayo'y Magkakalayo, Your Song Presents Boys Town, Wansapanataym Presents Kakambal Ko'y Manyika at ang kanyang hindi matatawarang pagganap sa MMK.

Isa ito sa pinakamagandang regalong natanggap ni Jessy para sa kanyang nalalapit na kaarawan (December 3). *Happy 18th Birthday, Jess*

Nahinog ng panahon. Hinulma ng karanasan. Hinubog ng pagkakataon. Abangan ang pamumukadkad ng isang bulaklak.. Wala nang makakapigil pa, handang-handa na s'ya.. Si Jessy Mendiola ay si SABEL.

Itinatampok din sa naturang serye ang Commercial Model / Actor na si Joseph Marco at ang Gigger Boys Member / Young Actor na si AJ Perez. 

Abangan ang Grand Full Trailer Launch ng SABEL ngayong November 29. Handa nang bumida ang serye ngayong DECEMBER 6 sa ABS-CBN Primetime Bida.  -Drix Salazar



video

No comments:

Post a Comment