TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, October 4, 2010

Toni Gonzaga to Mariel Rodriguez: ‘What you sow is what you reap.’


Matapang ang mga naging pahayag ni Toni Gonzaga kahapon sa The Buzz nang muling pag-usapan ang isyu hinggil sa naging hindi pagkakaunawaan nila ng dating malapit na kaibigang si Mariel Rodriguez.Tinalakay kahapon ang mga iba pang nakaalitan ni Mariel na sina Luis Manzano, Anne Curtis, KC Concepcion at Vice Ganda. Noong Sabado ay inamin ni Luis na mayroon silang hindi pagkakaunawaan niMariel pero hindi siya nagdetalye. Umiwas naman si Anne na magsalita habang sinabi ni Vice na nakikinig lamang siya kina Toni at Mariel. 

“Once and for all a lot has been said and done marami nang naisulat, marami nang nagbigay ng opinyon, marami nang nagbigay ng judgment sa lahat ng taong na-involved, pinili na nila Anne, Luis, Vice na huwag nang magsalita pa kasi mas lalaki pa mas maraming mai-involve, masasaktan,” panimula ni Toni. Sinabi rin ng singer-host-actress na sa buong nangyari ay marami siyang natutunang mga aral. “Siguro one thing that I will take from this whole experience is I’ve learned so much about life, about the industry, about friendships. And that’s one thing siguro na babaunin ko sa naranasan kong ito.”

Subalit habang nagbibigayan ng mga opinyon kasama ang mga 
co-host niya na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez at KC Concepcion ay hindi naiwasan ni Toni na magbigay pa ng kanyang mga saloobin. Nang tukuyin ni Boy Abunda na sumasang-ayon siya kay KC na mas maganda kung diretsahang nagsasabihan ng sama ng loob kesa sasabihin ito sa iba, nag-react si Toni. “Okay ‘yung confrontation, eh, okay ‘yung diretsahan, eh. Pero ang hirap at hindi ka mananalo kapag ang kausap mo ay hindi na nagsasabi ng totoo. In an argument‘pag ang kalaban mo hindi na nagiging totoo sa ‘yo,” malaman niyang pahayag. 

Nagpatama rin siya sa naging pahayag ni
 Mariel noong nakaraang linggo na nagsabing hindi umano maintindihan kung bakit sabay-sabay na lumabas ang isyu na marami siyang mga tao na nakakasamaan ng loob. “This will serve as a lesson, bakit nangyayari lahat at the same time, bakit sunud-sunod, it’s because what you saw is what you reap. ‘Yun ‘yung sana baunin nating lahat, kung ano ‘yung tinanim mo kasi magbubunga yan, eh.” by: Bernie Franco via http://www.push.com.ph/news-feature/526/Toni-Gonzaga-to-Mariel-Rodriguez-What-you-sow-is-what-you-reap-.aspx i-PUSH mo na!

No comments:

Post a Comment