Hindi raw niya nakausap si Mariel pagkatapos ng nasabing isyu at hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin niya kung sakaling magkaharap sila. “Andami kong narinig. So parang I don’t know what to say to her, (or) where will I start? She’ll deny she said anything pero marami rin akong naririnig from not just one person.” Mas gusto raw niya ang sinasabihan siya nang direkto kesa dinadaan sa iba ang hindi gusto sa kanya. “Ako kasi I’m very direct, kung totoong friend ka, kasi nagti-text-an naman kami (ni Mariel) before o kahit hindi mo ako kaibigan, kung meron kang gustong sabihin tungkol sa akin, kung kaya mong sabihin sa ibang tao, dapat kaya mo ring sabihin sa harap ko.”
Ipinaliwanag rin ni KC ang kasabihang kung may usok, may apoy at sa showbiz naman ay minsan may usok kahit walang apoy na nangangahulugang ang mga sumbong sa kanya hinggil sa diumano’y sinabi ni Marieltungkol sa kanya ay maaaring may katotohanan o wala. “So minsan ako personally hindi ko na alam ko ano ‘yung paniniwalaan because she’s denying it, at the same time she will deny it I know kung i-confront ko rin siya nang harap-harapan. Pero hindi rin kasi maiiwasan ‘yung doubt na bakit andaming hindi magkakakilala na nagsasabi sa akin na may sinabi siya na iba-iba. I’m not saying kino-confirm ko na siya (ay guilty).”
Sa huli, sinabi ni KC na ang isyu ng nasirang pagkakaibigan kina Toni at Mariel at ang pagkakadawit ng iba pa ay tungkol sa tiwala. “Hindi mo hinihingi (ang trust), binibigay sa ‘yo. So trust is earned, hindi nabibili, hindi nade-demand, hindi mo ‘yon mauutos sa isang tao.”
Paglilinaw rin ni KC na masaya siya para kay Mariel sa kanyang bagong buhay may asawa sa kabila man ng isyung kinasasangkutan nilang lahat. by: Bernie Franco via http://www.push.com.ph/news-feature/527/KC-Concepcion-to-Mariel-Rodriguez-Kung-kaya-mong-sabihin-sa-ibang-tao-dapat-kaya-mo-ring-sabihin-sa-harap-ko-.aspx i-PUSH mo na!
No comments:
Post a Comment