TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Tuesday, October 12, 2010

TILL MY HEARTACHES END PRESSCON, PUNO NG REBELASYON AT PAGBUHOS NG LUHA





Bumuhos ang luha sa katatapos pa lamang na presscon ng isa sa pinaka-inaabangang pelikula ng taon, ang Till My Heartaches End na pinagbibidahan ng dalawa sa pinakamainit na love team ng bagong henerasyon, sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ito ang ikalawang pagkakataon na magtatambal sa pelikula ang dalawa para sa taong ito (nauna na ang hit na pelikula na, Paano na Kaya?).


"May mga tao sa buhay natin na imposibleng mawala pero bigyan lang natin ng panahon malalaman nating ganun lang yun at yan ang tema ng pelikula. Sa ilang pagkakataon na nasalanta ang puso ko marami akong natutunan at marami na rin akong nagawang pelikula galing sa experiences ko," pag-uumpisa ni Direk Joey Reyes.


Sa pelikulang ito, gagampanan ni Gerald Anderson ang papel na Paolo Baredo. "Si Paolo (Baredo) ay isang happy go lucky guy. Nag-iba ang landas ko dahil lumaki na walang family. Nag-iba lahat yun nung nakilala ko si Agnes, si Kim. Challenging itong movie na ito first time namin nakatrabaho si Direk Joey."


"Ako dito si Agnes, no boyfriend since birth, walang alam sa pagmamahal, kung paano magka-boyfriend. Maraming makaka-relate. tapos nakilala niya si Pawi," pagbabahagi ni Kim Chiu tungkol sa role na gagampanan n'ya.


Ayon kay Direk Joey, September 15 ng tinawagan s'ya ng Star Cinema para gawin ang nasabing pelikula, "Tinawagan nila ako and asked me kung gusto kong gumawa ng movie sabi ko depende kung sino. Nung sinabi na Kim and Gerald sabi ko-game! Gusto ko talaga mga batang artista na hinog na for mature roles. Ang kwentong gusto ko ay parang 500 Days Of Summer ang treatment kaya puro magkakaibigan ang characters dahil point of view ng friends ang story. and I wanted Kim and Gerald to do something more mature.


"Panoorin nyo and share with me the pleasant surprise of Kim and Gerald in this movie. Ako kasi na-surprise sa kanila sa chemistry nila. Noong una hinangaan ko sila sa pagsusumikap nila na mapabuti ang career nila pero after shooting this movie mas napabilib ako sa willingness nila na mapabuti ang pagiging actors nila," dagdag pa ni Direk Joey.


Inamin din ni Gerald na kinabahan sila ng malaman na si Direk Joey ang hahawak ng pelikula. "Natakot kami ni Kim nung nalaman namin na si Direk Joey. Intimidated kami. Nagulat ako nung 1st day of shooting kasi sobrang gaan ng shooting namin. Kahit na we have 6 weeks lang to do the movie sobrang nag-eenjoy kami dahil kay Direk." 


Sinegundahan naman ni Kim, "Ako naman nung una kinabahan kasi judge siya sa mga talent shows tapos nung una nahihiya kami sa kanya. Tapos sobrang cool niya kaya cool lang din kami sa set at sobrang professional, pag work work, pag kwentuhan kwentuhan lang."


"The story is about a modern and young relationship, kung ano yung mga problema at challenges na nangyayari at kung paano nila nalalampasan yung mga yun at a young age," saad ni Gerald nang tanungin kung saan iikot ang pelikula.


Sa naturang presscon, naibulalas ni Gerald na sa apat na taon ng special relationship nila ni Kim, nagkaroon sila ng good at bad times. Sa kanyang paglalahad, hindi naiwasang tumulo ang luha ni Gerald. Nasaktan daw s'ya nang malaman na hindi na s'ya susuportahan ng ilan sa mga fans nila ni Kim (dahil na rin sa isyung ikinakabit sa kanila ni Bea). " Hindi po ako perpektong tao. I try my best to be the best pero mahirap din dahil tao lang din po ako."  Hanggang sa umalis pansamantala si Gerald sa presscon.


Nagbigay naman si Direk Joey ng mensahe sa publiko. "Sana ma-realize ng mga tao na itong mga batang ito na iniidolo natin ay mga tao rin na may mga pribadong damdamin at may karapatan ng sarili nilang kaligayahan. Kahit na pag-aari natin sila as artista pero meron din silang pribadong buhay. Higit na malaking inspirasyon na binigay ng mga batang ito sa mundo nating magulo. Wag na natin silang saktanThey are just doing their jobs, why are we hurting them? Isa sa malaking pagkakamali ay yung nabubulag ka dahil mahal mo ang isang tao at hindi mo na nakikita ang realidad ng buhay."


Natanong din si Kim kung anong reaksyon n'ya sa mga naging pahayag ni Gerald. Napaluha din si Kim.


 "Sana ok ang lahat, kasi ako ok ako. Ayoko makarining ng papatayin si Bea, si Gerald, ayoko ng ganon. Tanggapin na lang natin ang nangyayari. Sana tanggapin nila at maintindihan nila na may personal rin kaming buhay. Nagpapasalamat ako sa fans dahil nakasuporta sila sa akin pero sana balang araw maging ok ulit at bumalik yung dati. Tama na yung gulo at hindi pagkakaintindihan.  Yung mga taong nagsasabi ng masama tungkol kay Gerald, ako yung nasasaktan para sa kanya. Tao lang naman siya at nagkakamali."


"Pag minahal ka ng tao ang gusto lang naman nila ang best for you. Pero ikaw lang ang makaka decide sa kung anong makakapagpapaligaya sa iyo," payo ni Direk Joey kay Kim.


Nag-iwan din ng mensahe si Direk Joey para sa mga supporters ng dalawa. "Sa mga Kimerald fans, salamat sa suporta ninyo at dumami ang followers ko sa twitter. Mahal na mahal kayo ni Kim, palagi kayo iniisip ni Kim. Kung talagang mahal niyo si Kim suportahan niyo na lang siya." -Drix Salazar


TILL MY HEARTACHES END, palabas na ngayong OCTOBER 27 sa mahigit isang daang sinehan sa buong bansa. 


PUSH EXCLUSIVE VIDEO: http://www.push.com.ph/entertainment-live-details/674/HOT-Gerald-Anderson-breaksdown-at-the-Till-My-Heartaches-End-press-conference.aspx

No comments:

Post a Comment