TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Sunday, June 19, 2011

ADVOCACY-SERYENG BUDOY, KASADO NA!


Ngayong Hulyo, magsasama-sama ang pinaka-malalaking pangalan sa industriya para sa isa sa pinaka-malaking teleserye ng taon, ang BUDOY.

Matapos ang matagal na pagkawala sa bakuran ng ABS-CBN, ngayon nagbabalik na sila: Ms. Janice de Belen at Mr. Tirso Cruz III para sa isa na namang mapanghamong papel na kanilang gagampanan sa serye. 

Mula sa matagumpay na pagtatapos ng Ina ng Pinoy Teleserye, Mara Clara, muling magpapakita ng husay sa pagganap si Ms. Mylene Dizon. 

Divine s'ya hindi lang sa pagkanta gayundin sa pag-arte. Abangan si Ms. Zsa Zsa Padilla sa kanyang pagbabalik teleserye matapos ang teleseryeng IDOL.  

At sa unang pagkakataon, magtatambal ang dalawa sa tinitingalang bituin ng bagong henerasyon. Action Drama Prince, Gerald Anderson at ang Dream Girl ng Bayan, Jessy Mendiola..

Samantala, wala namang pagsidlan ng kaligayahan ang mga bituin ng nasabing serye.

"I am at a loss for words. Overwhelmed ako sa kuwento, sa casting. Mayroon pa akong bagong leading lady. Kasama ko sina Ms. Zsa Zsa, Mylene. Sobrang excited kaming mag-start," ika ni Gege..

Ayon naman kay Jessy Mendiola, "Hindi lang balik prime time ako, pero sobrang bigatin pa. Mga beteranong aktor at sikat [ang kasama ko]. Sana magustuhan ng mga tao ang tambalan namin ni Gerald at mabigyan namin ng justice ang bawat character."

ABANGAN ang ADVOCACY-SERYE na babago sa mukha ng telebisyon. BUDOY, ngayong Hulyo na sa Primetime Bida. INUULIT KO, PRIMETIME BIDA! :)

No comments:

Post a Comment