TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Thursday, February 24, 2011

MEDICAL MISSION AT TOY DISTRIBUTION NA PINANGUNAHAN NINA GOV. VILMA SANTOS-RECTO AT KRIS AQUINO SA BATANGAS, DINAGSA!






Di pa man sumisikat ang araw, tila hindi na mahulugang karayom ang dami ng tao na nagtungo sa Brgy. Anak Dagat, Lemery, Batangas kanina para sa Medical Mission at Toy Distribution na pinangunahan nina Gov. Vilma Santos- Recto at sa pakikipagtulungan ng Queen of all Media, Ms. Kris Aquino.


Mapalad ang mga residente ng nasabing bayan dahil sa maagang regalo nina Gov. at Krissy. Nagkaroon ng libreng bunot ng ngipin, libreng turok kontra cervical cancer, check-up at ang pamamahagi ng 1000 mga laruan para sa mga bata.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga Lemereño gaya ni May Anne Diezmos, "Lubos kaming nagpapasalamat kina Gov. Vi, Vice Gov. Mark Leviste at lalo't higit kay Ms. Kris Aquino, napakalaking tulong ng Medical Mission na ito."

"Kung may isang tao na gusto kong sundan ang yapak, si Gov. Vilma Santos- Recto 'yun!," ani Kris (Aquino).

Inimbitahan naman ni Kris (Aquino) ang mga Lemereño na tangkilikin ang mga programa n'ya sa Kapamilya Network tulad ng The Price is Right at Pilipinas Got Talent Season 2 na magsisimula na ngayong February 26. 

No comments:

Post a Comment