TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, September 27, 2010

PUSH EXCLUSIVE: MARIEL RODRIGUEZ, sinagot na ang matitinding isyung ibinabato sa kanya!




Mariel Rodriguez sets record straight on supposed rift with other celebrities
Mon Sept. 27 2010 01:27 AM
by: 
Bernie Franco



Isa-isang sinagot ni Mariel Rodriguez ang mga isyung kinasasangkutan niya at mga kapwa artista. Bukod kasi kay Toni Gonzaga, marami ring mga pangalan ng artista ang nagsulputan na diumano’y kasamaan ng loob ni Mariel o may isyu kasama sila.

Una ay ang dating co-host ni Mariel na si Willie Revillame na diumano’y tinext ng female host para sabihing susundan niya umano ito sa kabilang channel. Subalit sinabi ni Mariel sa The Buzz na hiningi lamang niya ang blessing ni Willie. “
I think Kuya (Willie) changed his number. The last time I sent a message to kuya was before (Pilipinas) Win na Win started. Ako’y nagpasalamat para sa Wowowee, kumbaga kinukuha ko ‘yung blessing niya, bigay-respeto na nagsisimula kami ng bagong show.” Hindi raw nag-reply si Willie pero okay lang daw sa kanya ito dahil noong huling mag-text ang dating Wowowee host ay sinabing proud siya kay Mariel.

Inilaglag naman daw ni 
Mariel ang kaibigang si Luis Manzano dahil isinumbong niya ito sa boyfriend na siRobin Padilla noong minsang maging guest host si Luis sa Wowowee ay may isang insidente na muntik nang mahalikan ni Luis si Mariel. Tinawagan umano ni Binoe si Luis at kinumpronta. Pero ikinagulat ito Mariel ang isyung ito. “What?!” ani Mariel sa The Buzz. “I don’t even know that. I have no idea.”�

Mayroon din daw alitan sa pagitan ni Anne Curtis at Mariel dahil si Anne umano ang nagsumbong kay Toni sa mga hindi magagandang sinabi ni Mariel about 
Toni. “You know I was just texting with Anne the other day, neverkami ni Anne nagkaroon ng isyu,” pagtanggi ni Mariel. "Let’s not drag Anne into this. How come everyone (is being involved)? I don’t understand.” 

Mayroon din daw sama ng loob daw si 
KC Concepcion kay Mariel dahil sinabi umano ng Pilipinas Win na Win host na bakit may sariling show si KC kahit na mas nauna raw siya rito sa showbiz. “Actually that’s where I was surprised today,” reaksyon ni Mariel. “I have no issue with KC at all. I was so surprised. Natatandaan ko ako pa nga unang-unang nag-guest sa Simply KC. Natatandaan ko na tuwing mganda siya sa The Buzz lagi ko pa siyang pinupuri. I don’t know what the issue still is. I really don’t know, I have no issue at all with KC.

Meron namang mensahe si 
Mariel kay KC regarding the issue. “Thank you kasi never siyang nagpakita sa akin ng kahit anong masama, on my part, I don’t think rin na meron akong napakita na masama. I even remember saying, ‘ang galing niya.’” bilang pagtutukoy ni Mariel na si KC ang nakapansin sa engagement ring nang mag-guest siya sa The Buzz“I don’t know the issue is. Thank you kasi wala rin siyang sinabing masama, I respect her.”


Mariel Rodriguez on fight with Toni Gonzaga: ‘Wala akong kaibigan na tinraydor.’
Mon Sept. 27 2010 01:42 AM
by: 
Bernie Franco


Nagsalita na rin kahapon sa The Buzz si Mariel Rodriguez hinggil sa hidwaan umano nila ng dating co-host at kaibigan na si Toni Gonzaga. Naging emosyunal rin ang actress-host nang ipahayag ang kanyang saloobin. “Toni is my friend. I love Toni. So with everything that’s been said, gusto kong maalala ‘yung friendship namin ni Toni for how it was,” pagsisimula ni Mariel. “It was a good friendship. We loved each other. Kaya nakikiusap ako sana huwag palakihin kasi pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko.”

Hindi man idinetalye ni Toni noon ang ugat ng pinag-awayan nila ni
 Mariel, ayon sa mga naisulat na bali-blaita ay may sinabi diumano si Mariel na ikinasama ng loob ni Toni. “Me as a friend, marunong akong mag-value ng kaibigan,” depensa ni Mariel. “Kung meron man pagkakataon na meron akong nasaktan, marunong akong tumanggap ng pagkatalo dahil mali ako. I can apologize kapag alam ko na mali ako. I never said I was perfect but I know in my heart and I’m sure lahat ng naging kaibigan ko at mga kaibigan ko na wala akong kaibigan na trinaydor, I’ve been a good friend. I really really don’t understand. I don’t know it was hard.” 

May mga pagkakataon umanong hinihingi ang kanyang reaksyon pero wala raw silang masabi dahil hindi raw niya alam ang buong pangyayari.
 “Some people asked me to comment I can’t I did not know. I don’t understand where it’s coming from. I don’t know so please huwag na lang tama na. I’m not doing anything.” 

Halatang masama rin ang loob ni Mariel sa mga pangyayari dahil nang hingan siya ni Boy Abunda ng mensahe para kay 
Toni ay hindi nito maidetalye kung anong mensahe sa dating katrabaho. “Very emotional. Kasi mahirap na may ganito na nangyayari sa magkakaibigan. Toni was like a sister to me. I’m still hurting.” via http://www.push.com.ph/ -PUSH mo na!

No comments:

Post a Comment