TEAM KAPAMILYA TAYO!

"I was determined that ABS-CBN would be number one. And to be number one , you have to get the number one people."
-EUGENIO L. LOPEZ, ABS-CBN Corporation Chairman Emeritus

Monday, February 27, 2012

SHOW-BUZZ PASABOG!

GRETCHEN BARRETTO iniyakan ang hindi pagkakatuloy ng teleseryeng ALTA. "Oo, for two weeks, I was grieving. Disappointed ako kasi ang tagal kong hinintay ang proyektong 'yun."

SARAH G. LIVE ping-usapan WORLDWIDE. Nagtrend nga kagabi sa micro-blogging site na twitter ang naturang show ni Sarah Geronimo. Patunay lamang ito na lahat ay nag-abang sa first solo musical variety show ni Sasa. Naging matagumpay at hinangaan ang pilot ep. nito.

CORAZON: ANG UNANG ASWANG ipinasilip na ang full trailer. Marami ang nasindak kagabi sa pagpapalabas ng trailer ng nasabing pelikulang pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Derek Ramsey. Nagka-isa ang opinyon ng publiko: "Sobrang nakakatakot! Trailer pa lang." Nakatakda itong ipalabas ngayong March 14.

DAHIL SA PAG-IBIG WORLD FULL TRAILER PREMIERE masisilip na ngayong gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng Walang Hanggan.

Kapamilya Young Actress, nagbabalak na nga bang lumipat ng istasyon matapos mapurnada ang mga proyektong dapat ay kabilang s'ya?

SANDY ANDOLONG AT CHRISTOPHER DE LEON magsasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na nakatakdang ipalabas ngayong darating na sabado.

Pelikulang UnOfficially Yours patuloy na pinipilahan.

Jake Cuenca, iniintrigang lilipat na ng istasyon. Mas lumakas pa ang bulung-bulungan ng mag-post ng tweet ang aktor nung isang araw na: "SHOULD I OR SHOULD I NOT?" Di pa rin nag-re-renew ng kontrata ang aktor sa Kapamilya Network. Samantala, patuloy pa rin ang taping ng aktor para sa teleseryeng Kung Ako'y Iiwan Mo kasama sina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, Ron Morales at Nikki Valdez. *Drix's Note: Mukhang malabo pang makalipat si Cuencs.*

WAKO-WAKO bibida na ngayong MARCH 5 sa Primetime Bida. Ito ang uukupa sa iiwanang slot ng Maria La Del Barrio na nasa huling linggo na sa ere.

Young Actor, kumpirmadong Bading! Kung sino s'ya, malapit n'yo nang malaman. Ang itinatagong ebidensya, masisilip na. Malapit na! Tutok lang sa drixsalazar.blogspot.com!

No comments:

Post a Comment